Rio
Andito kami ngayon sa isang retreat house na mukha namang haunted
house sa San Vicente. Sabi nung teacher na nakalimutan ko na yung
pangalan ay magkakaron daw ng bonfire kaya pinapababa na kaming
lahat. Ayoko ngang pumunta dun, mauusukan lang ako dun duh. Tsaka,
kaya lang naman ako sumama dito sa retreat na 'to ay dahil may plus
points at andito rin kasi yung ultimate crush ko hihi
Nagpaalam ako sa teacher na 'to na magc-cr lang ako at susunod na
lang kunyari pero ang totoo ay wala na akong balak sumunod dun 'no.
Buti nalang at pumayag sya at sinabing dalian ko lang daw.
Pumasok na ako sa cr kasi naiihi na din ako kaya binuksan ko ang isang
cubicle ngunit naka-lock ito. Sinubukan ko ring buksan ang iba pang
cubicle pero lahat naka-lock. Kala ko ba pumunta na silang lahat sa
baba? Maybe I'm not the only one who don't like stuff like that.
Nag-antay nalang ako na may matapos sa kanila. Ngunit makalipas ang
ilang minuto ay wala paring lumalabas na kahit isa man sa kanila. Ano
ba yan! Naiihi na ako eh. Di na ako makatiis kaya kinatok ko na ang isang
cubicle at tinanong ang nasa loob kung ba't ang tagal nya ngunit wala
akong narinig na tugon mula sa kanya. Ba't ba di sya sumasagot?
nakakainis naman. Tumalikod na ako at napagdesisyonang sa iba
nalang ako mag-ccr ngunit bago pa ako makalabas ay bigla na lamang
ako nakarinig ng isang tinig na mula sa isang babae. Ang creepy ng tono
ng kanta pati na ang boses nya.
"Anata no ue" puro ganyan lang ang naririnig ko. Sino yun? Because of
curiosity hinanap ko ang boses nya. Pinakinggan ko ng mabuti ang
boses at mukhang sa pinakadulong cubicle nanggagaling ang boses
kaya dahan-dahan akong yumuko at sumilip sa ilalim ng cubicle.
"Shit!!!"
Nagsimula ng magsitayuan ang mga balahibo ko.
Walang tao sa loob.
Luminga-linga ako ngunit wala namang tao. So sino yung kumakanta?
Hanggang ngayon ay patuloy parin sa pagkanta ang babae. Unti-unti
nang nag-sisink-in sa utak ko ang nangyayari. Parang sa mga horror
movies.
Napadasal nalang ako sa isip ko dahil tumigil na ang pagkanta nya
ngunit napalitan naman ito ng isang nakakapanindig balahibong
halakhak na sinabayan pa ng pag patay sindi ng mga ilaw, pagkabasag
ng mga salamin, sabay-sabay na pagbukas ng mga gripo at paghampas
ng mga pintuan ng mga cubicle kaya napatili na lamang ako at
kumaripas na ng takbo palabas ng banyo.
A/N:
"Anata no ue" is a Japanese phrase that means "above you".
-fin-

No comments:
Post a Comment