Nary

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. |


A/N:
When love isn't as magical and glamorous as what you perceived, be glad. You're still sane and intact with reality.







FINDING WHO?

"Nary!" Patuloy na sigaw ni Aries. Kanina pa sila naglilibot sa masukal

na gubat upang mahanap si Nary.


“Aries, sigurado ka bang nandito sya? Tanong ni Jomari na napapagod

na kakasigaw at kakahanap sa isang babae na tanging ang kaibigan pa

lamang ang nakakita.


"Baka naman ginagago ka lang ng babaeng yun, Aries" Singhal ni Lloyd

na hindi pinaniniwalaan ang kaibigan na sinasabing sya ay may

kasintahang sa kagubatan nakatira dahil doon din ito nakatira.

“Isasama ko ba kayo dito kung hindi sya totoo? Tsaka kelan ba ako

nagsinungaling sa inyo?" Tugon naman ni Aries sa mga diskumpyadong,

kaibigan.


Nagpatuloy sila sa pagtawag ng pangalan ni Nary sa masukal na

kakahuyan hanggang sa inabot na sila ng takipsilim. Nakarating sila sa

isang lumang anging bridge na gawa lamang sa pinagtagpi-tagping mga

kahoy at kawayan.


"Mga pre, mukhang luma na ‘tong tulay na 'to. Hindi kaya delikado na

kung ipapagpatuloy pa natin ang paghanap dyan sa Nary mo." Litanya

ni Jomari habang pinipilit itago ang takot na nararamdaman dahil sa

ang nagsisilbing liwanag nila ay unti nti na ring nawawala. Hindi rin

nakatulong ang naglalakihang punong kahoy at ilang huni ng hindi

malamang mga hayop sa loob ng kakahuyan.


“Tama si Joma, kailangan na nating umalis dito. Baka hindi na natin

mahanap ang daan palabas pag inabutan tayo dito ng dilim." Pagsang-

ayon naman ni Lloyd.


“Bakit ba napakaatat nyo? Malamang nandyan na sa malapit si Nary.

Baka nasa kabilang bundok lang sya. Kailangan lang natin tawirin ‘tong

tulay na ito." Pilit pa rin ni Aries.


Dahan-dahan nyang tinungo ang tulay. Sa unang yapak pa lamang ng

paa ni Aries ay lumangitngit na ito. Hindi maipagkakaila ang

panginginig ni Aries habang mahigpit ang pagkakakapit sa lubid na

nagdudugtong sa tulay. Nakalulula ang tanawin mula sa tulay dahil sa

ibaba nito ang rumaragasang tubig ng log na may naglalakihan ding

bato. Umuugoy ito sa bawat hakbang na ginagawa nya.


“Tara na! Ambabakla nyo naman." Panunukso ni Aries upang matago

ang sariling takot.


Napilitan na ring sumunod ang dalawa. Naunang sumunod si Jomari at

sinundan naman ni Lloyd. Marahan nilang tinahak ang lumang tulay.

Pinapakiramdaman ang bawat yapak na kanilang ginagawa at tila ba

halos pigil ang paghinga. Walang nagsasalita. Lahat ay maingat at

mahigpit ang pagkakakapit sa lubid sa magkabilang kamay. May mga

pagkakataong napapasinghap sila sa twing lumalangitngit ang kahoy sa

ilalim ng kanilang paa. Nang malapit na nilang marating ang gitna ng

tulay, laking gulat na lamang nina Aries at Jomari nang biglang

napasigaw si Lloyd na hindi kalayuan sa kanila. Nadapa ito dahil

nawasak ang isang kahoy na kanyang tinapakan. Mabuti na lamang at

hindi sya nahulog at mabilis na napakapit sa lubid at kahoy sa harapan

nya.


“Tulong!" Palahaw ni Lloyd na hindi malaman ang gagawin.


Hindi na nag-atubili pa sina Jomari at Aries para tulungan ang kaibigan.


“Teka. Sandali lang. Kumalma ka nga. Humawak ka sakin ng mahigpit""

‘Tugon ni Jomari nang may bahid ng pag-aalala sa kaibigan.


Nang maiangat nya ito ay tagaktak ang pawis nito at nanginginig ang

buong katawan.


"Ano ba, Aries?! hindi pa ba tayo uuwi? Kanina pa tayo naghahanap ah.

Kung ayaw nyo pang umuwi, bahala kayo. Basta ako, uuwi na." Sigaw ni

Lloyd nang mahimasmasan na.


“Pasensya na Aries, pero tama si Lloyd. Hindi natin sya mahahanap

ngayon. Pwede naman sigurong bumalik nalang tayo bukas pre."

Pagsang-ayon naman ni Jomari.


Nakaramdam naman ng pagkakonsensya si Aries.


“Sige. Pasensya na at nadamay ko pa kayo. Tara na." Tugon naman ni

Aries. Tinulungan niya si Jomari sa pag-alalay kay Lloyd.


Habang marahan silang naglalakad sa tulay ay nahagip ng peripheral

vision nya ang isang pamilyar na imahe. Hindi nya napigilan ang sariling

lingunin ito. Nakilala niya ang kulay berde nitong pangtaas at ang

wooden bracelet na suot nito nang huli silang magkita.


“Nary?' mahina nyang usal.


“Ha? Nary? Nasaan?" tanong ni Jomari habang lumilinga-linga pa.

Tiningnang mabuti ni Aries ang pigura ng babae sa ibaba. Ngunit hindi

na maipaliwanag ang naramdaman niya nang mapagtanto niyang ito

nga ang babaeng kaniyang hinahanap. Nakasalampak ang dalaga sa

isang malaking bato at tila wala nang buhay.


“Nary!" malakas nyang sigaw kasabay ng pag-alpas ng luha sa kaniyang

mata. Hindi inaasahan ng magkakaibigan ang sunod na natutunghayan.

Tumalon si Aries.


Tumalon siya para sa kaniyang minamahal. Para mailigtas ito. Tumalon

siya sa pag-aakalang totoo ang kaniyang nakikita. Sa pag-aakalang

mayroong rumaragasang ilog sa ilalim ng luma't marupok na tulay.

"Aries!" palahaw ng magkaibigan.


Hindi na siya napigilan ng dalawang kaibigan dahil nakatalon na ito

dahil sa kagustuhang mailigtas ang babaeng minamahal.


Walang log.


Tanging naglalakihang mga bato.


Walang Nary.


Tanging imahinasyon na napaglaruan ng isang churel.


Dinig na dinig nina Lloyd at Jomari ang pagsalampak ng katawan ni

Aries samga bato. Nagimbal ang magkaibigan sa nasaksihan. Dali-dali

silang humanap ng daan para makababa.


Tumambad sa magkaibigan ang bangkay ng kaibigang si Aries.

Nalagutan na ito ng hininga dahil na rin sa taas ng binagsakan. Basag

ang bungo nito at nagkalat pa ang ilang bahagi ng utak niya sa paligid.

Masuka-suka ang dalawa dahil sa nasa kanilang harapan.


Kinalabit ni Jomari si Lloyd dahil may napansin ito.


May hawak na si Aries na kulay dilaw na bulaklak.


“Isa yang Bird's-foot Trefoil. Hindi na maganda 'to." sal ni Lloyd na may

halong pagkabahala. Hindi siya maaring magkamali dahil ang pamilya

niya ang may-ari ng isa sa pinakamalaking fower field sa bansa.


"Oo nga. Wala syang hawak na kahit ano kanina." Tugon ni Jomari.

"Hindi lang yun ang dahilan. Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng

bulaklak na yan?", tanong ni Lloyd.


"Ano?" balik ni Jomari. Kinakabahan sya sa sasabihin ng kaibigan.

"Revenge." tugon ni Lloyd.



Sa 'di kalayuan ay may nakakubli. Napangisi sya.


"One down, twelve to go." usal niya. Tumalikod na sya at tuluyan nang

lumisan.



-fin-



No comments:

Post a Comment

Anata No Ue

Rio Andito kami ngayon sa isang retreat house na mukha namang haunted house sa San Vicente. Sabi nung teacher na nakalimutan ko na yung pang...